MAALINSANGAN ang hapon sa Forbes Park, makulimlim ang langit na parang nagbabadya ng ambon. Tahimik ang loob ng mansion—aircon hums, malinis ang amoy ng linen at kahoy, at sa may family room, nakakalat ang ilang building blocks ni Callyx sa alpombra. Day-off ni Luna mula sa hospital, naka-pony tail lang siya, oversized T-shirt at cotton shorts, hawak ang iPad na may naka-open na journal article pero hindi niya natatapos. Sa veranda, tanaw niya ang garden. Trimmed ang bermuda, naka-setup ang maliit na tent na ginamit nila nung nakaraang linggo, at sa gilid, may kiddie scooter at mini goal post.“Mariel, ten minutes na lang, ha,” paalala ni Luna habang sumisilip sa salamin ng sliding door. “After nito, cool down na tayo. Ayokong napapagod nang sobra si Callyx.”“Opo, Dok—este, Ma’am,” natawang tugon ni Mariel, naka-sumbrerong bucket hat, hawak ang water bottle. “Callyx, five laps na lang, okay? Tapos rest.”“Yes, Ate!” sigaw ng bata, masigla pero maingat, naka-knee pads at wrist guards
Terakhir Diperbarui : 2025-08-20 Baca selengkapnya