MAGAAN ang pakiramdam ni Luna nang gumising siya kinabukasan. Parang may nawala na bigat na matagal nang nakadikit sa dibdib niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa malamig na hangin ng madaling araw, o dahil lang sa nakatulog siya nang mahimbing. Pero habang nakahiga siya, nakatitig sa kisame ng kuwarto, may kakaibang linaw sa isip niya: mas madali nang huminga.Bumangon siya, nakatali pa rin ang buhok, suot ang oversized shirt. Paglabas niya ng kuwarto, naamoy niya agad ang aroma ng brewed coffee at pancake. Napakunot ang noo niya—hindi siya nagpapaluto kay Manang Tess. Si Mariel naman ay rest day, at si Nanay Rina ay alam niyang tulog pa.Pagdating niya sa kusina, naroon si Damon, nakasuot ng simpleng grey shirt at may apron, nakatayo sa harap ng stove habang iniikot ang pancake gamit ang spatula. Sa mesa, nakalatag na ang syrup, butter, at maliit na plato para kay Callyx. Mayroon na ring dalwang tasa ng kape, oats, eggs, and mix fruits.“Morning,” bati ni Damon nang mapansin siya k
Terakhir Diperbarui : 2025-08-22 Baca selengkapnya