CHAPTER 71 – Mataas na ang araw nang magising si Luna. Wala siyang schedule sa hospital ngayon kaya pinili niyang manatili lang sa bahay. Tahimik sa buong mansyon, maliban sa mahinang tunog ng fountain sa garden at kaluskos ng mga dahon sa bintana.Nakaupo siya sa balcony, hawak ang mug ng kape, habang sinusulat ang mga notes para sa mga upcoming cases niya. Pero kahit anong pilit, hindi mawala sa isip niya ang huling pag-uusap nila ni Damon kagabi."Pero ako, masaya ako kapag nakikita kang masaya."Napapikit siya, saka iwinaksi ang alaala. “Focus, Luna,” bulong niya sa sarili.Ilang sandali pa'y bumukas ang pinto ng kwarto ni Callyx. Lumabas ang bata na may dalang maliit na notebook at lapis, naka-pajama pa at medyo magulo ang buhok.“Morning, Mommy,” bati nito, sabay yakap sa bewang niya.“Morning, baby,” sagot niya, hinaplos ang ulo ng anak. “Did you sleep well?”“Mm-hmm,” tumango si Callyx, saka umupo sa tabi niya. “I have homework, pero I wanna finish it here with you.”“Sure,”
Last Updated : 2025-08-14 Read more