Isabelle “Gusto ko ng lambingin ang inaanak ko! Tulog ba siya?” reklamo ni Diane, nakatingin kay Nathan na nakayakap sa ama. “Good Lord, Isabelle, isara mo agad ‘yang pinto,” bulong ni Lucas habang mabilis na pumasok at ini-lock ito. “Ano ba ‘yon, Nando? Anong problema?” tanong ko, nagtataka sa itsura niya. Parang hilakbot na hilakbot siya. Parang nakakakita ng isang nakakatakot na grupo ng zombie ang itsura niya. Parang may apocalypse na paparating na siya lang ang nakakaalam. “Ang problema? Mga magulang natin! Mga magulang mo, mga magulang ko, mga magulang ni Diane, mga ‘ekstra magulang’ ni River, pati na ang kina Hubert at Joko, pati si Simon, Daisy at si Ate Jocy, diyos na mahabagin.” “‘Ekstra magulang’ ni River?” kumunot ang noo ko. “Si Lisbeth at si Alebert Juarez,” paliwanag niya, na natawa ako. “Dumating din ang mga magulang mo, Hubert? Pati sayo, Joko?” tanong ni River, gulat na din. “Yeah, pare. Nang marinig nila ang balita mula sa tatay ni Lucas, agad silang
Read more