As expected, hindi makapaniwala ang mga girls nang sabihin ko na iniwanan ko si River ng sulat at umalis bago pa siya magising. Halo-halo ang reaksyon nila. Honestly, tsaka ko lang na-realize na very ‘movie coded’ ang ginawa kong ‘yon. “Hulaan ko, kakapanood mo ng movie ng Hallmark ‘yan, Isabelle.” Banat ni Jackie sa akin. Parang nabasa niya ang takbo ng utak ko. “Sinasabi ko sayo, tigilan mo na ‘yan. Masisira ang buhay mo. Pwede mo naman kasi itext.” “Sira,” bwelta ni Isla. “Okay nga ‘yon, eh. May pagka-romantic at mysterious effect.” “Tsk. At ngayong naiwan ko na ‘yung sulat, sigurado akong kakalimutan na niya ako at magmo-move on na siya kasi nga naman, ‘yon ang gusto kong mangyari kasi ang arte ko. At ang masaklap? Mas masakit pa ngayon kaysa dati,” pagtatapos ko, habang dama ko pa rin ang bigat sa dibdib. “Grabe, Isabelle! Alam ko, mabigat talaga ang nangyari sa inyo. Pero, girl…’yung lalaking ganoon ka tignan at kayang guluhin ang buong sistema mo? Bihira ‘yan, take it f
Baca selengkapnya