River Kami ni Hubert ang naghatid kay Lisbeth sa International Airport. Habang papalapit ang kanyang pag-alis, may lungkot akong nararamdaman. Si Lisbeth ay hindi lang assistant ko, siya ay parang pangalawang ina sa akin—lagi siyang nariyan sa bawat yugto ng buhay ko.Mamimiss ko siya, kaya naman inasikaso kong makabalik siya rito kahit isanglinggo kada buwan kahit pa sa bulsa ko manggagaling ang expenses niya, wala akong pakialam.“Bata, nag-lunch kami nina Isabelle at Diane kanina,” sabi ni Lisbeth sa akin habang nakahawak sa braso ko. “May pinapaabot na mensahe si Nathan sayo.”“Talaga?” Napangiti ako agad dahil narinig ko ang pangalan ng batang ‘yon. Hindi ko na maitago ang pagkahulog ng loob ko kay Nathan. “Ano ang sabi niya?”“Sabi niya, gusto ka raw niyang makalaro ulit,” sagot niya. Napuno ng init ang puso ko.“Hinding-hindi ko sila susukuan, Lisbeth, kung ‘yan ang inaalala mo,” pangako ko sa kanya habang mahigpit ko siyang yakap.Ngumiti siya at ikinuwento pa niya ang
Read more