Habang naglalaro, sobrang sweet ni Levi sa akin, minsan damay lahat ng ladies—kahit na parang gusto na siyang lapain ni River sa inis. Magaan ang kilos ni Levi, marahang humahawak sa kamay ko habang nag-e-explain ng laro dahil sinadya kong magtanong, palihim na bumubulong sa tenga ko. Siyempre, binigyan ko siya ng atensyon. Nasa plano na naming mga babae ‘yon. Si River at ang ibang boys? Nakakunot noo buong oras. “Ladies, saan niyo gustong mag-dinner mamaya?” tanong ni Chip habang nilalaro ang cards, pero ang mata, kay Diane nakatingin. “Hmm, paano kung sa BGC? May bar doon, may private room” suhestyon ni Roman. “Nakapunta ka na ba doon, Bettina? Masarap ang pagkain doon.” “Actually, narinig ko na ang lugar na ‘yan. I think ang pangalan ng bar ay Hikari, pero di pa ako nakaka-try. Mahirap daw magpareserve,” sagot ni Bettina, halatang interesado. At lalo lang nag-init si John. “Kay Roman, madali lang. Tiyuhin niya ang may-ari ng bar,” singit ni Chip. “Kung okay sa lahat, perfe
Baca selengkapnya