“Miss Montecillo, ipinapatawag ka ni Mr. Ventoza sa opisina niya ngayon din,” sabi ng bago kong boss, lumapit pa siya sa tabi ng aking cubicle. “Maaari ka ng pumunta. Tapos mo na ba ‘yung pinagawa ko kanina?” Napatingin ako sa kanya—isang pandak at bilugang lalaki na laging may suot na makapal na salamin. Palaging may awitin sa bibig habang naglalakad sa opisina, pero mabait siya at madaling lapitan. Nasa komersyal na departamento ako, kung saan bukas ang layout ng opisina—may mga kumpol ng tig-aapat na cubicles at isang enclosed office lang para sa head. Maingay, masigla, at puno ng kwentuhan at tawanan. Mabilis akong nakibagay, at sa totoo lang, nasabi ko sa sarili kong baka dito na nga ako magsisimula ulit. Nakabuo pa nga ako agad ng sarili kong social circle. Pero nang ipatawag ako ni Mr. Ventoza, bigla akong kinabahan. Baka nagbago ang isip niya. Baka gusto na niyang tanggalin ako. Huwag naman sana. Inabot ko ang mga folder. “Opo, tapos na po. Nakaayos na rin ang reports,
Read more