Isabelle Punong-puno ng tao ang karaoke bar. Binanggit ni Levi ang reservation namin sa entrance, at agad kaming inihatid ng isang staff papunta sa mesa malapit sa entablado na naka-reserba na para sa amin. Tinawag din niya ang waiter para sa order. Umupo kami at nag-order ng inumin. May magka-partner na nasa entablado at sintunado ang rendition ng isang sikat na kanta—pero buong bar ay kumakanta rin may palakpakan at hiyawan pa. Ang saya ng ambiance, relax lang pero puno ng energy. Tawanan, kantahan, sayawan, palakpakan, at hiyawan—parang nanonood lang kami ng pinakamagandang palabas sa mundo. Ang lugar ay maganda, may dim lights, at ang live band ay napakahusay. Kaka-upo pa lang namin, nagpalista na agad si Isla para kumanta at halos pinilit kaming lahat sa mesa na sumali rin. Pagsapit ng turn ko, nagtangka pa akong umatras, sabi ko kay Isla hindi pa ako sigurado kung anong kanta ang pipiliin ko. “Ay hindi pwede. Aakyat ka sa stage ngayong gabi, period,” mariing sabi niya.
Baca selengkapnya