Isabelle Pagdating namin sa bahay ni Hubert, naroon na ang mga girls. Agad silang lumapit para kunin si Nathan mula sa mga bisig ni River, na kunwari ay nainis habang pinagmamasdan sila. “Sandali! Dahan-dahan lang kay Nathan!” aniya, pabirong nakakunot ang noo. “Sa wakas, makikilala ko na rin si Nathan! Come to Tito John!!” sabi ni John, habang lumalapit na may malaking ngiti sa mukha. Pinalibutan ng mga kaibigan ko ang anak ko, pinapatawa at kinikiliti siya sa tiyan kaya naman napapahagikgik ito—at napangiti rin ako. Bigla siyang tumingin kay River. Na parang silang dalawa lang ang naroon. “Tito, swim!” sabi niya, kumikislap ang kanyang hazel na mga mata. “Lagyan muna natin ng sunscreen at isuot ang salbabida mo, baby,” sabi ko sa kanya habang iniunat na niya ang mga braso papunta kay Tito River niya. “Ako na, Mommy. Ako ang bahala sa anak natin ngayon. Magpahinga ka at mag-enjoy,” sabi ng loko, sabay ngiting-ngiti. Mas lalo pa siyang gumuwapo sa ilalim ng araw—magulo
Read more