NANINIWALA akong ligtas si Yanixx kahit itinuturo ng mga ebidensiyang wala na siya. Buhay siya. Iyon lang ang kakapitan ko para hindi masira ang utak ko. May mga anak kami na naghihintay. Sina Vince at Sophie ay naghihintay sa pag-uwi ng kanilang ama. Hindi ganoon si Yanixx. Hindi siya ang tipong basta na lang nang-iiwan. Kahit may malalim pang dahilan gaya nang ginawa ko noon, hindi siya bumitiw, hindi niya ako iniwan."Hindi niya gagawin iyon, hindi niya kami iiwan...mahal niya kami...mahal kami ni Yanixx...mahal niya kami," sambit ko habang mahigpit na magkasalikop sa aking kandungan ang mga kamay. Nanlalabo na sa masaganang luha ang mga mata ko.Lumingon sa akin si Engr. Irlan at kinabig ako pahilig sa kaniyang dibdib."He's alright, I know him. Nasa NBI siya noon, he knew how to handle dangers," alo niya sa akin."Tama ako hindi ba? Ligtas siya, okay lang siya. Baka nagtatago lang siya ngayon kasi may humahabol sa kaniya. Ganoon siguro. Nagtatago lang siya." Wala nang patid ang p
Last Updated : 2025-08-16 Read more