Malaya naman akong bisitahin ang bata at makasama hanggang kailan ko gusto. Pero nanghihina ako sa tuwina dahil sa labis na pagsisisi sa kinahantungan ni Mayor Yanixx."Tulungan ko muna sina Mama at Papa, Lo." Nagpaalam ako kay Lolo. Abala ang mga magulang ko sa paghahakot ng mga bagahe namin matapos maibaba lahat mula sa multi-cab."Ako na ang bahala sa mga ito, pumasok na kayo roon sa bahay," sabi ni Papa."Halika na, Ace." Niyaya na ako ni Mama at hinawakan sa siko. "Nasaan na ang kubo natin, Ma?" tanong ko pagkapanhik namin sa sala ng bahay. Maaliwalas ang looban. Kompleto sa mga gamit. May corner set na may mahabang couch. Smart tv, audio component. Kanugnog ng sala ang open study area na may mini bookshelf, siksikan ang iba't ibang libro roon. May computer set at printer. Desk at office chair. "Pinagawa ni Yanixx itong bahay, minsan kasi nahihiram namin si Vince at hindi ligtas 'yong kubo natin noon para sa sanggol. Pumayag na rin ako kasi para sa bata naman ang purpose niya
Last Updated : 2025-07-31 Read more