Umawang na lang ang bibig ko habang hinahabol sina Yanixx at Vince na nagmartsa palabas ng kuwarto. Bitbit ng anak ko ang paborito niyang unan na may mukha ni Tom at mayroong mga tainga ng pusa. "Teka lang, saan matutulog si Vince?" atungal ko. Gusto kong hablutin ang anak ko at ibalik sa kuwarto niya. Kung ako lang mag-isa ang matutulog doon, paano na? "Mama, I will sleep in Lola's room tonight because Nanay Rosie will change my pillows and bed sheets," inosenteng sabi ng bata at tumingala sa Daddy niya.Bumusangot ako nang bongga habang si Yanixx ay nakangisi nang malaki. Larawan sa guwapo niyang mukha ang tagumpay. Pinandidilatan ko siya. Nananadya ba siya? Talagang hindi niya ako bibigyan ng pagkakataong makaligtas sa libog niya ngayong gabi. "Manang Rosie will disinfect the room, it will be out of order for two nights at least," paliwanag niya matapos tumikhim."May usapan tayo, Yanixx, isang beses lang sa isang linggo. Hindi pa nga tayo nagsimula, umaabuso ka na!" angal kong
Last Updated : 2025-08-10 Read more