Chapter 61Biglang nag-vibrate ang phone mula sa bag ni Celine. Kinuha niya ito at iniangat, saka ngumiti ng bahagya habang ipinapakita ito kay Argus.“Sir, sa dami ng beses mo na kaming pinagdudahan, heto’t sasabihin ko ulit sa’yo—ako ang nanay ni Elara,” mariing wika ni Celine, tuwid ang tindig na parang ayaw magpatalo.Mabigat ang tingin ni Argus, nakakunot ang noo, para bang sinusuri ang bawat galaw niya. Nang binaba ni Celine ang tawag, biglang tumunog ulit ang phone niya.‘The number you dialed is busy. Please try again later.’Tahimik ang silid, pero ang katahimikan ay parang sumisigaw ng alinlangan. Sa dami ng butas, natural lang na magduda si Argus. Ngunit habang nakatitig siya kay Celine… at kay Amara, may kung anong hindi maipaliwanag na pakiramdam sa dibdib niya. Parang may hindi pa rin tugma.“Mr. De Luca,” ani Celine, mariing boses. “Alam kong marami ka nang nagawa para sa anak ko, at nagpapasalamat ako roon. Pero tama na ang pagdududa. Anak ko si Elara, at ako ang Mommy
Terakhir Diperbarui : 2025-08-19 Baca selengkapnya