Chapter 37Paglabas niya ng supermarket, napalingon siya sa paligid. Saktong may dalawang batang tumatakbo papasok ng ospital. Mga apat o limang taong gulang, magkahawak-kamay, parehong hinihingal, pero halatang determinado sa pagmamadali nila.Napakunot ang noo ni Argus.May kung anong pamilyar sa likod ng mga batang iyon.Parang...Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam, pero parang may humila sa loob niya na sundan ang mga bata. Napakagat-labi siya at agad na sinundan ang direksyong tinahak ng mga ito.Pero pagpasok niya sa ospital, sinalubong siya ng makapal na crowd ng mga pasyente, nurse, staff, bisita. Sa dami ng tao, agad siyang nawalan ng tanaw sa dalawang munting anino.Napahinto siya sa hallway. Nilingon niya ang paligid, umaasang mahagip pa ang mga bata. Pero wala.Ang mga mata niya ay paikot-ikot, parang may hinahanap.May kaba sa dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila may koneksyon siya sa dalawang batang iyon.Tahimi
Terakhir Diperbarui : 2025-08-06 Baca selengkapnya