Chapter 68Sa De Luca Resort, 6:30 PM pa lang pero unti-unti nang napupuno ang lugar. Elegante ang venue, mataas ang tanawin ng city lights na nagmumula sa Venice Grand Canal, at perpektong spot para sa fireworks. May red carpet sa entrada, live strings band sa gilid, at nagsisidatingan na ang mga bisitang naka-gown at tuxedo. Sa bawat sulok, maririnig ang mga bulungan, hiyawan, at halakhak ng mga bisitang sabik sa gabing inihanda ng pamilyang De Luca.8:00 PM ang simula ng show. At gaya ng dati, regalo na naman ito ni Argus para kay Ysabel. Every year na lang—fireworks, flowers, grand entrance, pati live performance ng sikat na banda. Kaya’t marami ang naiinggit kay Ysabel. Hindi lang dahil sa yaman ni Argus, kundi sa atensyon at effort na binibigay nito sa kanya.Para kang pumasok sa isang fairy tale. Sa gitna ng grand ballroom, si Ysabel ay tila prinsesang bumaba mula sa langit. Ang kanyang suot ay isang makislap na evening gown na kulay champagne gold na kumikislap sa bawat ilaw n
Last Updated : 2025-08-23 Read more