Kalmado sila sa first round ng laban. Dumulas ang baraha sa gitna ng lamesa, kaumalansing ang pokerchips, at banayad na nag-umpugan ang mga champagne glasses. Pasimpleng naglalaro si Cecelia, tinutupi ang bara, nakangising sinilip iyon bago binaba. Pinaubaya sa kanya ni Magnus, alam nitong mahusay siya sa mga baraha lalo na sa poker. Sumalpok ang kilay ng mga kalaban nila nang paisa-isa siyang nanalo. Hindi na mailarawan ang mukha ni Maxwell, napalis ang ngiti nito at naging iritable tuwing kinakausap ni Valentina. "Hmm, lucky streak?" Inangat ni Magnus ang kilay habang nakatitig sa baraha niya. "Luck is for amateur. This is skill," pagtatama niya. Hinampas ng ex-husband niya ang lamesa. "Hindi ito matatawag na swerte kung madaya ka, p*ta ka!" sigaw nito. "Lumayas ka nga rito, Valentina. Isa ka pang nagdadala ng kamalasan dito eh!" Tinulak niya ito at muntik mawindang sa inuupuan. Namula ang mukha nito sa kahihiyan. "Hey, kumalma ka nga. H'wag kang mangdamay ng iba kung sadya
Last Updated : 2025-08-14 Read more