Nakaupo ito sa kanyang swivel chair, kaswal na nakadekwatro habang may mapaglarog ngiti sa mga labi. Mabangis na kumikinang ang mga mata nito pero hindi maitatago ang pang-uuyam, as if hinihintay niya ang pagkakataong ito. "What the hell are you doing here, Maxwell?!" mabangis niyang singhal. Ngumitngit ang swivel chair nang sumandal ito, inunat ang katawan na para bang pagmamay-ari nito ang buong opisina. "Na-mi-miss ko lang ang blind ex-wife ko. Kumusta ka na, babe?" Pumitik ang galit sa puso niya. Hindi s'ya kinakabahan dahil marunong na siya ngayong lumaban saka nandito rin ang mga gwardiya niya. "Babe mong pagmumukha mo," angil niya sabay kapit sa pinto, "sino ba'ng may sabi pumasok ka rito? You're tresspassing..." "Minsan naging akin ang lugar na ito. Kung hindi mo inagaw..." Tumayo ito pero nasa kanya ang mga mata saka tinukod ang nakakuyom na mga kamay. "Ako pa rin sana ang nakaupo hanggang ngayon dito!" Matunog s'yang ngumisi, pinakita ang pagiging maangas niya. Hindi na
Last Updated : 2025-08-20 Read more