"H'wag mo talaga akong subukan, Maxwell." Inikot ni Magnus ang braso ng pamangkin nang manigas ito, pumagting sa tenga ang pagtunog ng buto nito. Gumapang palayo si Cecelia nang malamang sinunggaban niya ang kanyang pamangkin. "Nakaisa ka lang, Tito!" angal nito, sinubukan kumawala kahit kumikirot ang balikat nito. Humigpit ang pagkahawak n'ya na parang dinudurog ang braso nito. "Mas tuso ako sa'yo. Nakalimutan mo yata na ako ang nagturo nito sa'yo. Tingnan mo, hindi mo natapos ang sinimulan mo." Umungol ito sa kirot. "May araw ka rin..." "Kailan ka ba susuko? Lampas na sa isang daan ang pinapadala mong blackmail at death threats, nakakainip din. Saka hindi rin naging effective ang paggamit mo sa asawa ko," turan niya na may pangungutya sa tono. "Considered it as your lucky day," asik nito sabay siko sa tadyang niya dahilan para mabitawan ito. Isang iglap ay umikot ito, hinarap s'ya at inambunan s'ya ng suntok. Umilag s'ya, pero may isang nakalusot at tinamaan siya sa panga
Last Updated : 2025-08-11 Read more