Irina POVFive months old na si Ravino, today, may handaan sa big mansion. Buwan-buwan, pinaghahanda namin si Ravino, kasabihan kasi ng mga matatandan na kailangan ipaghanda ang mga baby buwan-buwan para lumaking maayos at humaba ang buhay nito.“Tignan mo si Ravino, bochog ang mga pisngi, napaka-cute, Irina,” gigil na sabi ni Ravi habang bitbit ang anak namin. Puno-puno ng mga malalapit na tao sa buhay namin ang mansion ngayong araw. Lahat sila, family ni Ravi at family ko, buwan-buwan nagpupunta rito kapag pinaghahanda namin si Ravino.“Kanino magmamana?” tanong ko.“Sa akin,” sagot naman agad ni Ravi.“Sa atin,” pagtatama ko.“Sabi ko nga, sa atin nga, sa atin siya nagmana.” Mabilis namang kausap si Ravi. Pero alam ko naman paraan lang niya ‘yun para mangulit at magpatawa.“Guys, kain lang nang kain, marami pang pagkain,” sabi ko nang lapitan ko sila sa dining area. Kapag kainan na kasi, tahimik, kani-kaniyang lipad. Kani-kaniyang kain at kuha ng mga gusto nilang pagkain.“Ang saya
Last Updated : 2025-10-31 Read more