Azia POVBago ako umuwi sa amin, pumirma muna ako ng kontrata kay Haide. Binasa ko ang mga nilalaman nun, bawal ikalat ang tungkol sa ganoong trabaho niya, bawal din ikalat ang mga video na ipapasa niya sa akin at dito lang sa bahay niya ako dapat mag-edit ng mga video niya, hindi puwedeng iuwi sa amin o kahit sa labas, basta dito lang daw sa loob ng bahay niya. Wala namang problema doon, siya ang magpapasahod sa akin kaya dapat akong sumunod. Ang maganda doon, libre na lahat, pamasahe, pagkain at puwede rin akong makitulog. Safe naman dahil magkahiwalay kami ng kuwarto.Salamat kay Lord, dahil hulog ata si Haide ng langit sa akin. Ngayon, hindi ko na kailangang magtrabaho ng limang beses sa isang araw para lang makaipon, dito, mag-e-edit lang ako ng video, nakaupo lang, kumakain ng masarap at nakakapanuod pa ng lalaking masarap, este makakapanuod pa ako ng mga korean drama kapag mabilis kong natapos ang kailangang ma-edit. Feeling ko nga, isa o dalawang oras lang ako mag-e-edit, tapo
Last Updated : 2025-11-03 Read more