Haide POVMay nag-doorbell na sa labas ngayong umaga. Mukhang dumating na ang editor kong si Azia. Sakto, kakatapos ko lang ulit magluto ng almusal. Simula ngayon, dadagdagan ko na ang pagluluto kapag alam kong darating siya.Pagbukas ko ng pinto, tama, si Azia nga.“Good morning, boss,” bati niya agad sa akin. Ngiting-ngiti ito. Halos wala na ‘yung dating mukha niyang stress. Good for her, kasi ‘yan din naman ang gusto kong mangyari. Tila napakabilis magbago ng mood niya. Sabagay, alam na niya kasing may solusyon na sa mga problema niya.“Good morning, tamang-tama lang ang dating mo, kakatapos ko lang magluto ng almusal, tara, pasok,” aya ko sa kaniya.“Halata nga, ang bango agad pagbukas ng pinto,” sagot niya, saka binaba ang bag sa may lamesa sa sala. Sumunod lang siya sa akin papunta sa dining area.“Sandali, timpla kita ng kape mo,” paalam ko sa kaniya. Hinayaan ko na siyang maupo sa dining table, habang ako, nagtimpla muna ng kape niya sa kusina.“Mauna na ako, huh! Nakakatakam
Last Updated : 2025-11-04 Read more