Haide POV“Uy, bagay at masarap nga. Totoo ngang puwede siyang i-sweet and sour,” sabi ni Azia nang sa wakas ay matikman na niya ang niluto kong ulam.“Dati na naming naluluto ‘yan dito sa bahay, at dati na talagang ginagawa ng ilan sa mga pinoy, kaya ako ang takang-taka kung bakit never mo pang nata-try ‘yan,” sagot ko sa kaniya habang tinitimpla ang guyabano juice powder.“Oo nga, sorry na, wala, sa lugar namin, walang gumagawa ng ganiyan,” sagot niya habang panay ang subo sa pagkain niya, “hayan mo, ako ang magpapa-uso nito sa lugar namin,” dagdag pa niya.Dito na siya matutulog talaga dahil hindi pa siya tapos sa ini-edit niya. Sa nakikita ko kay Azia, mukhang panatag na siya rito sa bahay at sa trabaho niya sa akin. Mukhang nag-e-enjoy na rin naman siya sa pagiging editor ko.Bago ako naupo para kumain na rin, kinuha ko ang pitaka ko at saka ko na binigay ang sahod niyang two thousand pesos para sa pagiging camera woman ko kanina sa ilog.“Uy, ito na ang sahod ko sa pagiging came
Last Updated : 2025-11-09 Read more