Azia POV“Aba, Azia, anong mayroon at sinama mo ako sa mall?” tanong ni Nanay, kakababa lang namin sa jeep.“May nakuha kasi akong pera sa bagong amo ko. Ang bait niya talaga. Kaya, heto, maggo-grocery tayo sa mall ngayong araw, Nanay,” masaya kong sabi sa kaniya. Kita ko ang gulat sa mga mata niyang namimilog. Hindi siguro siya makapaniwala. Kung dati, ako ang kusang gumagawa nito. Ako ang kusang namimili at sa palengke lang palagi. Ngayon, sa mall na, sosyal.Minsan lang mangyari ‘to, kaya hahayaan kong mag-enjoy ang nanay kong sanay lang palagi na nasa bayan, palengke at street namin. Sa susunod, si Tatay naman at kapag kayang-kaya na, buong pamilya na, kasama si Lolo Ben. Kapag nangyari ‘yun, kukuha na ako ng mag-aalaga kay Lolo Ben, na siyang magtutulak ng wheelchair niya kapag nasa galaan kami.“Nanay, gusto niyo po ba ng bagong damit?” tanong ko sa kaniya habang dumadaan kami sa mga shop ng damit.“Si Tatay mo, saka Lolo, bili natin,” sagot niya. Ganiyan siya, mas iniisip muna
Last Updated : 2025-11-25 Read more