Azia POVPagbukas pa lang ng malalaking pintuan ng ballroom ng five-star hotel, nakita ko agad ang pagiging sosyal ng lugar. Noon, iniisip ko, hindi manlang ata ako maikakasal ng may bonggang handa, bonggang reception at bonggang mapapangasawa, pero ngayon, heto na, nangyayari na at para pa rin akong nananaginip.Sa bawat sulok ay may mga puting bulaklak na may halong gold accents. Hindi siya sobrang makulay, pero sobrang elegante kung titignan.“Wow,” mahina kong sabi habang hawak ang kamay ni Haide.Napatingin siya sa akin habang nakangiti.. “Para sa ’yo ‘to.”Para sa akin talaga. Parang hindi ko pa rin ma-absorb.Pagpasok namin, sabay-sabay tumayo ang mga bisita. Palakpakan na naman at sigawan. May sumipol pa. Ramdam ko ang init ng mga tingin nila, pero hindi iyon nakakailang. Parang yakap kasi iyon sa amin, dahil alam naming masaya din sila sa nangyayari sa amin ni Haide ngayon.“Ladies and gentlemen,” malakas na announce ng host, “let us welcome for the first time as husband and
Last Updated : 2025-12-15 Read more