NAGSALUBONG ang mga kilay ko nang pigilan ako ng isa sa mga empleyado na pumasok sa opisina ni Eros. “ma’am, hindi po talaga pwede na pumasok kayo sa opisina ni sir lalo na at wala pa siya. Tyaka wala naman po kayong appointment.” puno ng pakiusap na sabi sa kaniya ng isang lalaki.Napahalukipkip ako at napatingin sa mukha nito. “Kahit tawagan mo siya. Alam niya na darating ako ngayon.” mataray na sabi ko rito. Paano ba naman ay kanina pa ako nagpapaliwanag sa kaniya na alam nga ni Eros na darating ako pero pigil siya sa akin ng pigil na pumasok sa loob.“Ma’am, e di sana ay alam ko. E di dapat ay sinabi niya sa akin.” muling sabi niya habang nakaharang sa pinto.Muling napaikot ang aking mga mata ng mga oras na iyon dahil paano ba naman, halos isang beses ko na yatang sinabi rito na alam nga ni Eros na darating ako pero pinipigil niya pa rin ako sa pagpasok sa loob. “Hindi ba at sinabi ko na rin sayo na tawagan mo nga siya para makumpirma na totoo ang sinasabi ko diba?” nanlalaki ang
最終更新日 : 2025-10-04 続きを読む