HINDI ko namamalayan ay may mainit na likido ang biglang dumulas mula sa aking pisngi. Nagulat ako, hindi ko alam pero para bang bigla na lang nagkaroon ng malaking butas ang aking dibdib. Napakagat-labi ako, ang isang patak at biglang nagsunod-sunod hanggang sa halos hindi ko na mapigilan pa ang pagbagsak.Napahawak ako sa aking dibdib dahil naninikip ito. Maging ang aking lalamunan ay parang may nakabara, nahihirap akong huminga. Ang aking katawan ay parang namanhid na lang bigla at ang aking mga labi ay nag-umpisang manginig.Sa sumunod na sandali ay isang hikbi ang kumawala sa labi ko hanggang sa nagsunod-sunod na. Bakit parang ang sakit?Parang hinahalukay ang dibdib ko, sobrang kirot, sobrang sakit na hindi ko maipaliwanag.Pakiramdam ko ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Sanay naman na akong masaktan, sanay na akong ma-disappoint ng mga tao sa aking paligid pero bakit ngayon ay ibang-iba ang sakit?Sinubukan kong punasan ang aking luha ngunit ayaw pa rin nitong tumig
最終更新日 : 2025-10-16 続きを読む