NARINIG niya ang paghugot nito ng malalim na buntong hininga dahilan para lingunin niya ito. “May problema po ba lola?” maingat na tanong niya sa kanyang lola.Alanganin naman itong ngumiti sa kaniya. “Well, ang totoo kasi niyan Angelo ay gusto kong makipag-date ka mamayang gabi. May nakausap na akong babae na perfect para sayo.” sabi nito sa kaniya.Natigilan siya nang marinig niya ang sinabi nito dahil sa totoo lang ay hindi niya akalaing maghahanap ito ng babaeng pwede niyang maka-blind date. Sa panahon ngayon ay hindi na uso pa ang makipag blind date, isa pa kaya niya namang maghanap ng mapapangasawa kung sakali.“Lola, hindi niyo naman iyon kailangang gawin.” sabi niya rito na may halong tampo sa totoo lang dahil hindi niya inakalang hahanapan talaga siya ng kanyang lola ng magiging girlfriend niya when in fact, hindi niya pa naman iyon kailangan at higit sa lahat ay hindi naman siya nagmamadali sa totoo lang.“Hijo, marahil hindi mo naiintindihan pero kasi hindi ka na pabata pa.
Mehr lesen