SUNOD-sunod ang naging pagpatak ng aking luha ng dumampi ang mainit na labi ni Dalton sa aking labi. Hindi naman ako nanaginip diba? Totoong nasa harap ko na siya diba?Masuyo ko siyang tiningnan. Ang kanyang mga mata ay puno rin ng luha. Pinunasan niya ang aking pisngi. “Huwag ka ng umiyak. Ligtas ka na. Pasensya ka na kung nahuli na naman ako. Hindi ko nagawang hanapin ka, pero nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ligtas ka.” sabi niya sa akin at muli niya akong niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik. Napahikbi ako. “Akala ko, hindi ko na kayo makikita pa ni Eros.” napahagulgol na ako. Muling rumagasa ang takot ko noong panahong akala ko ay wala na talagang pag-asa na magkita-kita pa kaming tatlo at mabuo bilang isang pamilya.Hinaplos niya ang aking likod. “Hindi na iyon mangyayari pa. Pinapangako ko, magtatalaga na ako ng bodyguards niyo ni Eros at isa pa hinding-hindi na ako mawawala pa sa tabi niyo. Okay? Kaya huwag ka ng matakot pa. Nandito lang ako palagi sa tabi mo.” puno ng pani
Terakhir Diperbarui : 2025-09-22 Baca selengkapnya