MIKAELA’S P.O.VPARANG manhid ang buo kong pagkatao pagkatapos ng meeting. Pagbalik ko sa aking mesa ay hindi na gumana pa ang utak ko at wala na akong ibang gusto pa kundi ang makaalis na doon. Gusto ko ng umuwi, humiga at magpahinga pero hanggang hindi natatapos ang meeting na iyon ay hindi ako makakapagpahinga.Mabuti na lang at pagbalik ni Eros ay minadali na rin nito ang pakikipag-meeting. Halos alas nwebe na ng gabi ng matapos ito. Pagsakay namin sa kotse niya ay hindi nito kaagad pinaandar ang kotse sa halip ay nilingon niya ako. “Ayos ka lang ba?” may bahid ng pag-aalalang tanong niya sa akin pero wala ako sa mood. Ni hindi ko siya nilingon, nanatili akong nakasandal sa aking kinauupuan at nakatanaw sa labas ng bintana.Ngumiti ako ng mapait. “Yeah, I’m always okay. Sanay na ako sa mga ganung bagay so wala kang dapat ipag-alala.” sabi ko pero deep inside sobrang sama ng loob ko. Ni hindi ko nagawang ipagtanggol ang sarili ko at nagmukha akong walang silbi sa harapan nila. Unti
最終更新日 : 2025-10-11 続きを読む