BuodNang matagpuan si Stefie Santillan sa isang kompromisong sitwasyon kasama si Prince, inakala ng mafia boss niyang ama na dinungisan ng lalaki ang kanyang dangal. Ang hatol, pakasalan siya o mawala nang tuluyan.Pinili ni Prince ang kasal.Bago ang kasal, gumawa sila ng kasunduan, isang taon silang magsasama bilang mag-asawa, at iisa ang patakaran, bawal umibig.Para kay Stefie, pagkakataon iyon upang makawala sa kontrol ng ama, magtayo ng negosyo, at makamit ang kalayaang hinahangad. Kailangan niyang tiisin si Prince hanggang matapos ang kasunduan.Ngunit sa iisang bubong, nauwi ang bangayan sa tawanan, ang lambingan sa pagnanasa, at ang pagkainis sa selos na hindi niya maitanggi.Nang umibig siya, nalaman niya ang totoo, hindi takot ang dahilan ng pagpayag ni Prince. Ginamit nito ang kasal upang makapasok sa kanilang pamilya at hanapin ang pumatay sa ama nito.Minahal ba siya ni Prince o naging susi lamang siya sa paghihiganti nito?Book 9: Stefie and Prince Love Story Dumating
Last Updated : 2026-09-18 Read more