Nasamid si Stefie.“Apo?” Napahawak siya sa dibdib. “Daddy, hindi ba masyadong maaga pa—”“One step at a time, Don Severo,” singit ni Prince. “Kasal at honeymoon muna.”“Walang masama kung sisimulan ninyo sa honeymoon ang paggawa ng apo.” Ngumiti ang ama. “Dalawang linggo kayong walang ibang iintindihin.”Nanlaki ang mga mata ni Stefie. Bago pa siya makatutol, muling nagsalita si Prince.“I’ll try my best, Don Severo.”Pinalo niya ito sa braso. “Ano’ng susubukan mo?”“Gawin ang best ko.”Pinisil niya ang braso nito nang mas madiin. Hindi na ngumiti si Prince, ngunit hindi rin nito binawi ang sinabi.“I’ll leave you two to discuss it.” Tinalikuran sila ni Don Severo. “Huwag kayong mag-alala. Walang manggugulo sa villa.”Pagkasara ng p***o, hinarap ni Stefie si Prince.“Anong ibig mong sabihin na susubukan mo ang best mo?”“Kung sinabi kong hindi tayo gagawa ng apo, magtatanong siya kung bakit.”“Eh, di sabihin mong ayaw pa natin.”“Mas maraming paliwanag, mas maraming tanong.”“Wala sa
Last Updated : 2026-09-24 Read more