“Pansin ko po kasi,” dagdag ni Prince, “medyo disorganized ang asawa ko.”Mariing ipinasok ni Stefie ang mga daliri sa ilalim ng braso nito at pinisil ang balat.Hindi natinag ang ngiti ni Prince, ngunit gumalaw ang panga nito.“Mas mabuti kung ikaw na ang hahawak sa schedule niya,” sabi ni Don Severo. “Matigas ang ulo ng babaeng iyan. Kapag hindi mo pinaalalahanan, kung saan-saan pumupunta.”Pilit na ngumiti si Stefie. Ayaw niyang makita ng ama na nag-aaway sila gayong kababalik pa lamang nila mula sa honeymoon.“Don’t worry, Don Severo,” sagot ni Prince. “Sisiguraduhin kong masusunod ang mahahalagang schedule.”Kinuha ng ama niya ang cellphone at ipinadala rito ang kumpletong listahan.“Kasama na riyan ang mga event hanggang sa susunod na buwan.”Tumunog ang cellphone ni Prince. Sinilip nito ang natanggap na file bago ibinalik sa bulsa ang cellphone.“Ako na po ang bahala.”“Good.” Bumaling si Don Severo kay Stefie. “Matuto kang makinig sa asawa mo.”“Opo, Daddy,” sagot niya sa pagit
Last Updated : 2026-10-02 Read more