Matapos nilang magpalitan ng singsing, humarap sa mga bisita ang officiant.“Sa harap ng mga taong nagmamahal sa inyo, muli kayong nanumpang piliin ang isa’t isa. Hindi bilang mag-asawang kusang nag-aalay ng buong buhay sa isa’t isa.”Muli itong humarap kina Damon at Felicity.“Dahil pinagtibay ninyo ang inyong mga pangako, ikinagagalak kong muli kayong kilalanin bilang mag-asawa, ngayon at sa lahat ng araw na darating.”Nagpalakpakan at naghiyawan ang kanilang pamilya.Humakbang si Damon palapit kay Felicity. Inilagay nito ang isang kamay sa kanyang baywang habang nakatitig sa kanyang mga mata.Ngumiti ang officiant.“Damon, you may now kiss the bride.”Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Felicity at yumuko. Nang magdikit ang kanilang mga labi, tila humina ang lahat ng tunog sa paligid niya, ang hampas ng alon, palakpakan ng mga bisita, at musikang sumasabay sa ihip ng hangin. Napakatamis ng halik na kanilang pinagsaluhan.Lumapit sina Angel at Fiona dala ang kambal. Kinuha ni Da
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-17 อ่านเพิ่มเติม