Napansin ni Stefie ang pagtigas ng ekspresyon ni Prince nang banggitin niya ang pangalan ng kanyang ama at kapatid.“Prince, may nasabi ba akong mali?”Umiling ito. “Wala, wife. Pero ayokong madamay ang pamilya mo sa isang lumang kaso. Personal na problema ko ito.”“Pero asawa mo ako. Natural lang na gusto kong tumulong.”“I appreciate that.”“Hindi naman kailangang makialam sina Daddy at Kuya Clarence sa buong investigation. Marami lang silang koneksiyon. Baka makatulong sila sa paghahanap ng mga taong may alam sa nangyari.”“May mga tao na akong naghahanap ng impormasyon.”“Pero hanggang ngayon, wala pa ring resulta, di ba?”“May progress naman. Hindi lang ganoon kadaling maresolba ang kaso.”Napabuntong-hininga si Stefie.Mukhang napakataas talaga ng pride ng asawa niya. Kahit may mga taong handang tumulong, gusto nitong sarilinin ang problema.“Fine. Hindi na kita pipilitin. Pero kung magbago ang isip mo, sabihin mo lang sa akin.”“Thank you, wife.”“Isa pa, may ipapangako ka sa a
Last Updated : 2026-10-17 Read more