Sa unang pagkakataon, nakaramdam si Mira ng ginhawa, pero kasabay noon, ang takot na baka mas lalo lang silang mapahamak na mag-ina.“Paano ka nakakatiyak na safe kami?”“Hindi ko sila uurungan. Hindi ko kayo papabayaang mag-ina.”Natigilan siya, hindi alam kung tatanggapin ba niya ang proteksyon ni Kyle, o itutulak ito palayo para sa kaligtasan nilang mag-ina.“Hindi ko alam, magulo ang isip ko. Basta, mag-ingat ka din,” aniyang humakbang na palayo upang mag-abang ng taxi.“Wait, ihahatid na kita.”“Hindi pwedeng makita nila tayong magkasama. Masisira ang mga plano mo.”Natigilan ang lalaki.“So, ano ang tawag sa relasyon natin? Secret love?” biro nito.“Umuwi ka na, alam kong pagod ka,” taboy niya.“Teka lang, may alam akong secret place na pwede nating puntahan.”“Saan?” bigla siyang napatanong dahilan upang lalo siyang tuksuhin nito.“Uy, gusto niyang sumama.”“Heh! Uuwi na ako.”“Teka lang, mag-usap muna tayo. Madami tayong dapat linawin sa isa’t isa.”“Naku, hindi natin alam, bak
Last Updated : 2025-08-31 Read more