Nagmamadaling lumapit si Sebastian kay Mira matapos lumabas nito sa conference room.“Mira, kailangan kita. Nag-resign bigla ang assistant ko. Ikaw ang gusto kong pumalit.”Napakurap siya, agad na umiling.“Seb, consultant na ako dito.”“Mira, please, kailangan ko ng taong mapagkakatiwalaan, at ikaw lang ang nakikita kong ganoon.”Napatigil siya, biglang nagdadalawang-isip. Kung magiging assistant siya, mas madali siyang makakakuha ng access sa mga dokumento. Pero bago pa siya makapagdesisyon ay bumukas ang pinto. Iniluwa si Jenny, dala ang ilang folders, at agad itong lumapit sa kanya.“Mira, kanina --.”Hindi pa natatapos si Jenny nang bigla siyang nagsalita.“Sebastian, sakto! Si Jenny, naghahanap ng trabaho. Marunong siya sa admin, mahusay sa coordination. Perfect siya para maging assistant mo. Best friend ko siya kaya sigurado akong mapagkakatiwalaan.”Nanlaki ang mata ni Jenny, muntik nang mabitawan ang mga hawak na papeles.“Ha?! Ano’ng pinagsasabi mo, hindi naman—” bulong nito
Last Updated : 2025-09-04 Read more