Dahan-dahang iminulat ni Mira ang kanyang mga mata. Mabigat pa ang kanyang ulo, ngunit unti-unting nagiging malinaw ang paligid. Ang amoy ng antiseptic at ang mahihinang yabag sa labas ng kuwarto ang unang bumungad sa kanyang pandama.Sa may gilid, dalawang nurse ang nag-uusap habang abala sa pag-aayos ng mga gamit.“Grabe, ang swerte ni Ma’am,” bulong ng isa. “Halos hindi umalis dito ‘yung gwapong asawa niya. Buong araw nakabantay.”“Oo nga,” sagot ng kasama, bahagyang nakangiti. “Kitang-kita mong alalang-alala. Ang suwerte naman ni Ma’am, sana all may ganyang asawa. Mayaman, gwapo, at mapagmahal.”Hindi na siya nakapagsalita, ngunit hindi niya napigilang mapangiti. Naglaro sa kanyang isip ang imahe ni Kyle. Siya kaya ang tinutukoy ng mga nurse? Sa kabila ng lahat ng sakit at sigalot nila, iyon ba ang nakikita ng ibang tao, na ito pa rin ang asawa na handang magbantay sa kanya?May bahagyang init na humaplos sa kanyang dibdib, isang pag-asang pilit niyang itinatago ngunit hindi mawal
Last Updated : 2025-08-25 Read more