“Mira, kung ‘yan ang kinakatakot mo. Huwag kang mag-alala. Aayusin ko ang Megawide sa lalong madaling panahon. Mangako kang hihintayin mo ako.”Tumitig siya kay Kyle, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay nagtatagisan ang sakit at takot. Kailangan niyang tapusin ito, kahit pa ang kapalit ay wasakin ang lalaking matagal nang nakaukit sa puso niya. Pilit niya itong hinihila upang tumayo.“Gusto mong marinig ang totoo, Kyle? Oo, isa akong spy. Bumalik ako sa Megawide para tulungan ang Tuazon Group. Ang kumpanyang pinapamunuan ng lalaking minamahal ko noon at ngayon, si Sebastian.”Nanginginig ang mga kamay niya, pero hindi siya umurong.“Mira, you’re lying,” anitong nanatiling nakaluhod sa harapan niya.“Huwag mong isipin na may saysay ang pakiusap ni Lolo Mario. Ang totoo, kinuha ko lang ang pera. Wala akong pakialam sa pamilya mo, ni sa pangarap mong ibangon ang Megawide. Two birds in one stone, Kyle, nagkapera na ako, nakatulong pa ako kay Seb.”Ramdam niya ang mabilis na tibok ng kan
Last Updated : 2025-08-29 Read more