Pawisan nang pumasok si Maya sa main function room ng Timeless Essence Tower para sa employee orientation. Sinalubong siya ng malamig na aircon. Kumpleto na halos ang mga bagong hire, lahat naka-formal, excited at masaya. Naghahanda na din ang staff.Pero agad niyang napansin, wala si Lucas.“Baliw talaga ‘yun,” bulong niya sa sarili habang humahanap ng mauupuan. “Orientation day pa lang, absent agad?”Habang naghihintay, nag-message siya.“Hoy, late ka na!”“Five minutes. Kaw naman, na-miss mo ako agad.”Ilang minuto pa lang, bumukas ang pinto. Pumasok si Lucas, fresh na fresh, amoy mamahaling pabango, parang bagong ligo sa pabango. Umupo ito sa likod niya, ngumiti.“Sorry, traffic,” bulong nito malapit sa tenga niya na tila ba inamoy siya. “Ang bango mo naman.”“Tumigil ka nga diyan,” irap niya. “Ikaw nga ang parang bumili na agad ng pabango dito. Humahalimuyak ka.”“Siyempre, dapat tangkilikin ang sariling atin.”Biglang lumapit si Elaine, ang confident girl na bumida sa interview.
Last Updated : 2025-10-20 Read more