Lumabas na ng ospital si Sebastian makalipas ang dalawang linggo. Pagdating nila sa bahay, sinalubong sila ni Yaya Cora, halos maiyak sa tuwa.“Naku, Sir! Ma’am! Salamat sa Diyos at ligtas kayong dalawa at ang baby!”Pagpasok nila, bumungad ang bagong ayos na bahay. May mga bulaklak sa bawat sulok, puting kurtina, at sa dining table, masaganang tanghalian na may kare-kare, sinigang, at prutas.“Wow…” bulong ni Jenny, napangiti. “Kayo po nagluto, Yaya Cora?” aniyang yumakap sa matanda.“Oo, para masarap ang pagsalubong sa pagbabalik ninyo.”“Salamat po, na-miss namin kayo,” aniyang niyakap ang matanda.Napangiti si Sebastian, nakatingin sa paligid. “Parang ang dami mong inayos, Yaya.”“Oo naman, Sir. Gusto ko pong maganda ang salubong sa inyo.”Naupo sila sa mesa. Habang kumakain, panay ang lagay ng pagkain ni Sebastian.“Damihan mo ang kain. Dalawa na kayo ni baby na kumakain.”“Naku, baka lumobo naman ako.”“Okay lang ‘yan. Ang sarap kayang kumain. Para sa inyo din ni baby.”“Naku, t
Last Updated : 2025-10-17 Read more