“Sebastian… please… para sa anak natin… para sa atin… lumaban ka,” hikbi ni Jenny, halos hindi na makahinga.“Clear!”Isa, dalawa, tatlo, sunod-sunod ang hampas ng kuryente sa dibdib ni Sebastian.Habang umiiyak si Jenny, halos sumabog ang puso niya sa kaba. Ang mga luha niya, walang tigil sa pagpatak.“Sebastian, please…” bulong niya, halos pabulong pero puno ng pakiusap. “Huwag mo kaming iiwan ng anak mo…”Tahimik sa loob ng operating room.Hanggang sa bumalik ang tunog ng monitor.Napasubsob si Jenny sa sahig, humahagulgol sa sobrang pasasalamat.Ang mga doktor ay nagkatinginan, nagsimulang huminga nang maluwag.“He’s back… may heartbeat na ulit!” sigaw ng isang nurse.Pero alam nilang hindi pa tapos ang laban.Kinabukasan, si Sebastian ay nasa ICU, naka-intubate at halos puro tubo ang nakakabit sa katawan.Nasa tabi niya si Jenny, namumugto ang mga mata, walang tulog, patuloy na hinahaplos ang kamay ng asawa.“Please, Seb… gising ka na. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka,” mahinan
最終更新日 : 2025-10-16 続きを読む