Kinabukasan, naghahakot na ng gamit si Maya.Tinignan siya ni Elaine, na may mapanuring ngiti habang pinagmamasdan siyang kumukuha ng mga folder sa cabinet.“Wow,” sabi nito, sabay tiklop ng braso. “Getting closer na talaga sa CEO, ha. Engaged na ‘yung tao, ikakasal pa. Malaking gulo ‘yan, Maya.”Huminto siya sa paghakot ng files. “Ano na naman ‘tong pinagsasasabi mo?”“Come on. Nakita mo si Ma’am Camille, ‘di ba? Ang layo mo naman sa kanya. Elegante, sosyal, educated. Ikaw --” ngumisi ito, “--mula probinsya na naghahanap ng matabang isda.”Napakapit siya sa folder, pinipigil ang sarili. “Bakit ba pinag-iinitan mo ako, Elaine? Inaano ba kita?”Umiling ito, bahagyang yumuko. “Baka kasi akala mo, hindi namin alam ang karakas ninyong magkapatid. ‘Yung ate mo nga, nakapangasawa ng CEO. Ikaw din, ‘yun din ang target mo, ‘di ba?”Lumingon si Maya, diretso sa mga mata ni Elaine. “Alam mo kung inggit ka dahil hindi ikaw ang napiling maging secretary ng CEO, huwag ka sa akin magalit.”Biglang
Baca selengkapnya