Bago pa maalis ni Maya ang kamay ni Lucas na nakakapit sa kanya, sumarang muli ang pinto ng elevator.Isinandal siya nito sa wall. “Lucas, bitawan mo ako!” aniyang inagaw ang kamay. Pinindot ang button.Napasinghap siya nang bumungad si Lance, gulat na gulat, nakatitig sa kanilang dalawa.Parang tumigil ang oras. Si Lucas, mabilis na bumitaw. Si Maya, agad na kumilos.“Lance!” tawag niya, pilit na ngumiti, kahit ramdam niyang namumula ang pisngi. “Ayan ka pala! Kanina pa kita hinihintay. Let’s go, sinusundo mo ako ‘di ba?”Nagkibit-balikat si Lance, halatang naguguluhan, pero sumakay na lang. “Uh, oo. Tara na.”Bago tuluyang magsara ang pinto ng elevator, lumabas na din si Lucas, mariing nakatitig kay Lance, tila pinipigil ang emosyon.Ang mga mata nito, punong-puno ng sakit at tanong.***Kinagabihan, nakatingin lang si Maya sa kisame ng condo, dilat pa rin kahit halos alas-dose na. Paulit-ulit sa isip niya ang eksena sa elevator, ang pagkakahawak ni Lucas, ang init ng palad nito, at
Last Updated : 2025-10-25 Read more