Pagkatapos ng suntukan, si Dahlia, nakayakap pa din sa binti ni Lucas, at ayaw na talagang bitiwan.“Daddy Dennis… bad siya,” bulong nito at naluluha.Napatingin si Lucas kay Maya, at nandoon ang tunay na takot at pagprotekta ng isang ama.Habang naglalakad sila pabalik ng bahay, parang maliit na sisiw si Dahlia na nakadikit sa kanya.Pag-upo nila sa veranda, nasa hita siya ni Lucas.Habang nag-aayos ito ng mga paso, nakasunod din.Habang naglilinis ng garden tools, hawak-hawak ang likod ng shirt nito.Parang may magnet sa pagitan ng mag-ama.Hindi maintindihan ni Maya kung matutuwa ba siya, maiiyak, o kakabahan dahil baka mas mapabilis nito ang pagsuko ni Lucas sa katotohanan.Kinabukasan, pumunta sila sa maliit na tindahan sa kanto para bumili ng snacks.Pagdating nila roon, nagtataka ang mga tao bakit biglang kasama nila si Mang Dennis, karga pa si Dhalia na parang koala sa kapit.Narinig ni Maya ang mahihinang bulungan.“Uy, totoo nga ang tsismis!”“Close sila ng hardinerong ‘yan
Last Updated : 2025-11-17 Read more