Malaki ang mansyon ni Kyle at Mira, modern, glass walls, malamig ang aircon, at amoy bagong luto ang pulutan sa kitchen. Pero ngayong gabi… isa itong headquarters para sa isang misyon.Nasa gitna ng living room ang isang malaking whiteboard.At sa taas nito… nakasulat ng sobrang laki, Mission: Oplan Balikan.Nakatayo si Kyle sa tabi ng whiteboard, hawak ang marker na parang general na nagpe-present ng war plan.“Okay team,” panimula nito. “Malaki ang utang na loob natin kay Lucas the great kaya babawi tayo sa kanya. Tayo ay happily married dahil sa tulong niya. Kasalukuyang nakakulong na si Camille at naghihintay ng hearing. Alam naman natin, Lucas messed up, Maya is angry, and John Lozano is… well, bigating karibal hindi lang sa negosyo kundi sa puso ni Maya.”Sebastian raised a brow. “In short? Kalaban. At kumikilos ng mabilis deretso sa puso ni Maya. Hindi natin hahayaang makalusot ang lalaking ito.”Si Iris, naglilista ng notes sa iPad. “This mission requires, timing, precision, su
Última atualização : 2025-11-23 Ler mais