Hindi mapakali si Maya buong umaga. Paminsan-minsang dinadampot niya ang legal complaint na parang gusto na lang niyang sunugin.“Anak! Apo! Tao po!” sigaw mula sa labas.“Si Nanay Mel ‘yon,” bulong ni Maya, agad tinago ang envelope sa ilalim ng throw pillow sa sofa.Pumasok sina Nanay Mel at Tatay Samuel, may dalang prutas at ulam. Kasama si Mira na naka-cross arms at naka-ready sa chismis mode.“Ay, ang laki na ng tiyan mo, Maya,” bungad ni Nanay, agad hinaplos. “Buntis na buntis na talaga. Kumusta?”“Ayos lang po ako,” pagsisinungaling ni Maya, pilit ang ngiti.“Lucas,” seryosong sabi ni Tatay, “inaalagaan mo ba ang mag-ina mo?”“Yes po, Tay,” magalang na sagot ni Lucas. “Makakaasa po kayo sa pag-aalaga ko.”Nag-uusap sila tungkol sa baby, kay Dahlia, sa orchard, parang normal na araw lang. Hanggang sa may dumulas mula sa gilid ng sofa.Nahulog ang brown envelope.“Maya, ano ‘to?” mabilis na tanong ni Mira, agad yumuko at dinampot ito bago pa niya maagaw.“Mira, huwag mo ng--”Pero
Last Updated : 2025-11-28 Read more