May kumaluskos ulit sa dulo ng garden.Napahinto si Iris sa pag-sway. Kumapit siya sa braso ni Daryl, biglang nagliyab ang kaba sa dibdib.“Hon…” bulong niya, halos hindi lumalabas ang boses. “May tao--”Dahan-dahang lumingon si Daryl, handa sanang humarang. Pero bago pa siya makapagsalita, may pamilyar na ubo ang umalingawngaw.“Ahem.”At mula sa lilim ng mga halaman, sumulpot si Donya Ester, may hawak na maliit na flashlight na parang detective.Nang makita niya silang magkayakap sa ilalim ng fairy lights, huminto ito. Umangat ang dalawang kilay, tapos biglang ngumiti na parang nanood ng sweet scene sa sine.“Ay,” anito, malambot ang tono. “Ang sweet. Ituloy ninyo lang at huwag ninyo akong intindihin.”Namula si Iris hanggang leeg. “Mom!”Si Daryl naman, imbes na kabahan, bahagyang napangiti.“Hindi ko kayo istorbohin. Aalis na ako. Para hindi kayo maabala.”“Mom, hindi po--” nahihiyang sabi ni Iris, pero natawa rin.“Uyyy,” singit ni Donya Ester, sabay turo kay Daryl. “Daryl, gentle
Read more