At sa mismong sandaling iyon, humarang si Daryl, kahit mahina at itinulak ang kamay ng lalaki palayo.“Tulong!” sigaw ni Iris.Ngumisi ang staff.“Hon!” sigaw nito, sabay kabig kay Iris.Napatihaya si Iris sa biglang hila. Umangat ang kamay ng staff, pilit tinatarget ng karayom ang braso niya.Hindi na nag-isip si Daryl. Kahit masakit, kahit may benda sa tagiliran, siniko niya ang braso ng attacker at pinalo ang palad na may hawak ng syringe. Tumalsik at nabasag.At may sumingaw na likidong masangsang ang amoy.Parang kemikal na may halong asim na nakakasunog sa ilong.Napatigil ang ilang nurse sa dulo ng hallway, napalingon. May isang pasyenteng naglalakad, napahinto, nanlaki ang mata.Pero ang attacker, hindi nagpanic sa tingin ng iba. Ang galaw nito, mabilis at alam ang ruta.Umatras ito, saka biglang tumakbo.“Stop!” sigaw ni Iris.Si Daryl, humabol ng ilang hakbang, kumirot na agad ang sugat nito. Napahawak ito sa dibdib“Huwag!” pigil ni Iris, hinawakan ang braso niya. “Daryl, ‘
Terakhir Diperbarui : 2026-02-07 Baca selengkapnya