Napahawak si Candice sa baso, habang si Brent naman ay napaubo nang marahan.“Apo po?” halos sabay nilang tanong.Natawa ang matanda. “Gumawa kayo kahit ilan. Masaya ang madami.”Napaiwas ng tingin si Candice.Sa tabi niya, naramdaman niyang bahagyang gumalaw si Brent. Pagkatapos, sa ilalim ng mesa, pinisil nito ang kamay niya.At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso.Pagkatapos ng tanghalian, bago sila tuluyang umalis, may inabot si Don Fausto sa kanila.Isang paper bag at isang framed photo.“Para sa inyo,” sabi nito.Tinanggap ni Candice ang frame at tinitigan ang litrato.Kuha iyon noong unang araw nila sa farm.Nakatayo sila sa tabi ng veranda, nakaakbay si Brent sa kanya. They looked in love.“May homemade food din diyan, para may pasalubong kayo. May mga delicacies din mula sa farm.”“Maraming salamat po, ninong,” mahina niyang sabi.“Thanks po, Don Fausto, nag-enjoy po kami ni Candice.”“Bumalik kayo anytime. Bukas ang farm para sa in
Read more